Mga nilalaman |
Linggo, Nobyembre 1, 2015
Mga kapistahan sa Quezon
Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa Lucban, Quezon.
Sa pamamagitan ng pistang ito, pinasasalamatan ng mga magsasaka dahil
sa kanilang masaganang ani ang kanilang patron na si San Isidro
Labrador. Ang selebrasyon kalimitan ay isinasagawa sa pamamagitan ng
isang prusisyon ng imahe ni san Isidro at ng parada. Lahat ng mga bahay
sa bayan ay napapalamutian ng kanilang sariling ani tulad ng mga
prutas, gulay, palay, bulaklak, dahon, 'pako' at 'kiping' na siyang
nagdadala ng isang makulay na kabuuan.
Mga kabuhayan sa Quezon
Ang Lungsod Quezon (Ingles: Quezon City, pinaikling QC) o Lungsod ng Quezon ay dating kabisera at ang pinakamataong lungsod sa Pilipinas. Matatagpuan sa pulo ng Luzon, isa ang Lungsod Quezon sa mga lungsod at munisipalidad na binubuo ng Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon. Ipinangalan ang lungsod kay Manuel L. Quezon, ang dating pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na siya rin nagtatag ng lungsod at isinulong upang palitan ang Maynila bilang kabisera ng bansa.
Hindi ito matatagpuan at hindi rin dapat ipagkamali ang lungsod na ito sa lalawigan ng Quezon, na ipinangalan din sa dating pangulo.
Bilang dating kapital, maraming opisina ng pamahalaan ang matatagpuan dito, kabilang ang Batasang Pambansa, ang upuan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas, na siyang mababang kapulungan sa Kongreso ng Pilipinas. Matatagpuan din dito ang pangunahing kampus ng Unibersidad ng Pilipinas at ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Pilipinas sa Diliman. Paki-tingnan rin ang RSHS-NCR.
Makikita rin sa Lungsod Quezon ang maraming malalawak na liwasan, nakahilerang puno sa mga daan, at maraming mga pook pang-komersyo na popular sa mga mamimili sa buong kalakhan. Karamihang binubuo ng mga pamahayan (residential) na bahagi at maliit lamang ang mga lugar pang-industriya sa malaking siyudad na ito.
Hindi ito matatagpuan at hindi rin dapat ipagkamali ang lungsod na ito sa lalawigan ng Quezon, na ipinangalan din sa dating pangulo.
Bilang dating kapital, maraming opisina ng pamahalaan ang matatagpuan dito, kabilang ang Batasang Pambansa, ang upuan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas, na siyang mababang kapulungan sa Kongreso ng Pilipinas. Matatagpuan din dito ang pangunahing kampus ng Unibersidad ng Pilipinas at ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Pilipinas sa Diliman. Paki-tingnan rin ang RSHS-NCR.
Makikita rin sa Lungsod Quezon ang maraming malalawak na liwasan, nakahilerang puno sa mga daan, at maraming mga pook pang-komersyo na popular sa mga mamimili sa buong kalakhan. Karamihang binubuo ng mga pamahayan (residential) na bahagi at maliit lamang ang mga lugar pang-industriya sa malaking siyudad na ito.
Ipinagmamalaking produkto ng Quezon
Labing
dalawang mga pangunahing produkto at bilihin sa lalawigan ng Quezon ang
kasama sa “commodities recommended for management needs assessment” na
nakatakdang isagawa ng Bureau of Agricultural Statistics (BAS) sa
darating na Nobyembre hanggang Disyembre.
Ang 12 produkto ay kinabibilangan ng palay/bigas, mais, kamoteng kahoy, kamote, kalabasa, talong, ampalaya, carrots, saging, kalamansi, baboy at bisugo. Karamihan sa mga produktong ito ay inaani at ipinagbibili sa mga merkado sa lalalawigan habang ang iba naman ay ibinebenta sa mga karatig-probinsiya at maging sa Metro Manila.
Sinabi ni Ratelieta T. Millendez, chief ng statistical operation and coordination ng BAS na magsasagawa sila ng ‘survey at interview’ sa mga magsasaka, mangingisda at sa mga pamilihan ukol sa mga nabanggit na produkto.
Kaugnaynito, nagdaos ng kauna-unahang “agricultural marketing information and management system consultative meeting” ang BAS kung saan dumalo ang may 40 mga magsasaka, mangingisda at mga kawani ng lokal at national agencies na nakabase sa lalawigan.
Ang pagpupulong, ayon kay Milendez, ay naglalayong makapagbigay ng sapat na kaalaman sa mga mangingisda at magsasaka upang makakatulong sa produksiyon at pagbebenta ng kanilang mga produktong agrikultural.
Tinalakay din sa pulong ang tungkulin ng BAS sa price monitoring at pagbibigay kaalaman sa publiko ng kasalukuyang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, gulay, isda, karne at ibang produktong agricultural na kinukunsumo ng publiko sa araw-araw.
Samantala, binanggit ni Millendez na ang kalabasa na ginagawang canton at iniluluwas sa Singapore at ang banana chips naini-export din ay maaaring magbigay ng karagdagang kikitain sa mgamagsasaka. (Carlo P. Gonzaga, PIA-Calabarzon at ulat mula sa PIA-Quezon)
Ang 12 produkto ay kinabibilangan ng palay/bigas, mais, kamoteng kahoy, kamote, kalabasa, talong, ampalaya, carrots, saging, kalamansi, baboy at bisugo. Karamihan sa mga produktong ito ay inaani at ipinagbibili sa mga merkado sa lalalawigan habang ang iba naman ay ibinebenta sa mga karatig-probinsiya at maging sa Metro Manila.
Sinabi ni Ratelieta T. Millendez, chief ng statistical operation and coordination ng BAS na magsasagawa sila ng ‘survey at interview’ sa mga magsasaka, mangingisda at sa mga pamilihan ukol sa mga nabanggit na produkto.
Kaugnaynito, nagdaos ng kauna-unahang “agricultural marketing information and management system consultative meeting” ang BAS kung saan dumalo ang may 40 mga magsasaka, mangingisda at mga kawani ng lokal at national agencies na nakabase sa lalawigan.
Ang pagpupulong, ayon kay Milendez, ay naglalayong makapagbigay ng sapat na kaalaman sa mga mangingisda at magsasaka upang makakatulong sa produksiyon at pagbebenta ng kanilang mga produktong agrikultural.
Tinalakay din sa pulong ang tungkulin ng BAS sa price monitoring at pagbibigay kaalaman sa publiko ng kasalukuyang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, gulay, isda, karne at ibang produktong agricultural na kinukunsumo ng publiko sa araw-araw.
Samantala, binanggit ni Millendez na ang kalabasa na ginagawang canton at iniluluwas sa Singapore at ang banana chips naini-export din ay maaaring magbigay ng karagdagang kikitain sa mgamagsasaka. (Carlo P. Gonzaga, PIA-Calabarzon at ulat mula sa PIA-Quezon)
Mga pagkain sa Quezon
Ang mga pagkain na nasa mga litrato sa baba ay ilan sa mga tampok na pagkain sa Lucban, Quezon. Madami impormasyon ang nakuha namin at madami kaming natutunan tungkol sa mga ito.
Pancit Habhab o Pancit Lucban |
Ang pansit habhab ay ginisang miki na nilahokan ng karne at atay ng baboy, hipon, at gulay. Ito ay isang lokal na pagkain sa Quezon na sikat lalo na tuwing Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.Ito ay pansit na kinakain nang hindi ginagamitan ng kubyertos. Hinahabhab ito. Ito ay nilalagay lamang sa dahon o kaya naman sa bilao. Hindi ito nilalagay sa plato.
Hardinera |
Ito ay pagkain na hinahanda para sa mga espesyal na okasyon. Ito at ang embutido ay magkahalintulad. Ang hardinera ay isang putahe na tanyag sa probinsya ng Quezon. Pangkaraniwan itong makikita sa mga espesyal na okasyon katulad ng fiesta, kasalan o binyagan.
Kesong Puti |
Ang isa pang tanyag na pagkain sa lugar ng Lucban ay ang kesong puti. Ang kesong puti ay isang malambot na uri ng keso na gawa sa gatas ng kalabaw, asin, at rennet. Ang kesong puti ay isa sa mga pinakasikat na pagkaing Lucban.
Pilipit |
Isa pang sikat na pagkain sa Lucban ay ang pilipit. Ito ay gawa sa malagkit na bigas na binudburan ng pulang asukal at ipinirito. Ito ay espesyal na pagkain na gawa sa minatamis na kalabasa at galapong. Ito ay kadalasang nagmumukhang '8'.
Longganisang Lucban |
Ang Longganisang Lucban ay katutubong longganisa sa lalawigan ng Quezon sa Pilipinas at dahil sa pangalan nito, marahil na ito'y nagmula sa Lucban, Quezon.
Budin |
Tanyag na Tao sa Quezon
Manuel L. Quezon
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Ika-2 Pangulo ng Pilipinas Unang Pangulo ng Komonwelt | |
Panahon ng Panunungkulan | |
Nobyembre 15, 1935 - Agosto 1, 1944
| |
Bise Presidente | Sergio Osmeña |
---|---|
Predecessor | Emilio Aguinaldo (position restored. 1935) |
Successor | Sergio Osmena |
Kapanganakan | Agosto 19, 1878 Baler, Aurora |
Kamatayan | Agosto 1, 1944 Saranac Lake, New York, Estados Unidos |
Partidong politikal | Coalición Nacionalista (1935-1938); Nacionalista Party 1938-1944 |
Asawa | Aurora Aragon |
Propesyon | Abogado |
Relihiyon | Katoliko |
Mga nilalaman |
Kabataan at Simula ng Karera
Ang mestiso Espanyol na si Manuel Luis Quezon ay ipinanganak noong ika-19 ng Agosto, 1878 (bagamat ang kanyang opisyal na kaarawan ay ang ika-19 ng Agosto, 1878) sa Baler, Tayabas (ngayon ay nasa lalawigan na ng Aurora), kina Lucio Quezon, isang guro mula sa Paco, Manila, na isa ring retiradong sarhento sa sandatahang kolonyal ng Espanya, at Maria Dolores Molina, isa ring guro sa kanilang bayan.Tinuruan siya ng isang pribadong guro mula 1883 hanggang 1887; pagkatapos ay pumasok siya sa San Juan de Letran kung saan siya nagtapos sa sekondarya noong 1889. Namatay ang kanyang ina sa sakit na tuberkulosis noong 1893, bago siya nagtapos ng summa cum laude sa kursong Bachelor of Arts sa Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) noong 1894. Pagdating ng 1898, ang kanyang amang si Lucio at kapatid na si Pedro ay tinambangan at pinatay ng mga armadong lalaki noong pauwi sila ng Baler galing Nueva Ecija, dahil sa kanilang katapatan sa pamahalaang Espanyol.
Nag-aral si Quezon ng abogasya sa UST, ngunit pansamantalang natigil nang sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Sumanib si Quezon sa kilusang rebolusyonaryo at nagsilbi bilang aide-de-camp o kanang kamay ni Emilio Aguinaldo mula 1899 hanggang sa nabihag si Aguinaldo ng mga Amerikano noong 1901. Pagkatapos ng digmaan, tinapos niya ang kursong abogasya sa UST at nagtamo siya ng ikaapat na puwesto sa Bar Exams noong 1903. Nagtrabaho muna siya bilang isang clerk at surveyor bago naglingkod sa gobyerno bilang piskal ng Mindoro noong ika-19 ng Setyembre, 1903, at di kalaunan ay naging piskal ng Tayabas noong Marso 1904. Sa maikling panahong piskal siya ng Tayabas, naghain siya ng 25 na kasong estafa laban kay Frank J. Berry, isang impluwensiyal na abogado at manlilimbag na Amerikano, bago siya nagbitiw sa tungkulin noong Nobyembre 1904 at naging pribadong abogado mula 1904 hanggang 1906.
Noong ika-13 ng Hulyo 1906, ibinaba ng Korte Suprema ang hatol sa kasong U.S. vs. Querijero (G.R. No. L-2626), na nagsasabing noong pinatay ang ama at kapatid ni Quezon, ang mga salarin ay mga sundalong rebolusyunaryong lumalaban sa Espanya at ang pagpaslang ay alinsunod sa utos ng nakatataas na opisyal at ginawa para sa mga layunin ng himagsikan.
Pulitika
Noong 1906, nahalal si Quezon bilang konsehal at kalaunan bilang Gobernador ng Tayabas. Noong ika-25 ng Hulyo 1907, nagbitiw siya bilang Gobernador at tumakbo para sa Philippine Assembly. Mula 1907 hanggang 1909, naging miyembro siya ng Philippine Assembly, at Majority Floor Leader at Chairman ng Appropriations Committee. Noong 1909, inihalal siya ng Lehislatura ng Pilipinas bilang resident commissioner sa Kongreso ng Estados Unidos.Bilang resident commissioner, maaaring magsalita at sumali si Quezon sa talakayan, ngunit wala siyang karapatang bumoto. Gayunpaman, masigasig si Quezon sa pagsusulong ng kagustuhang lumaya ang Pilipinas. Pagkatapos ng isang talumpati sa Tammany Hall para sa Fourth of July noong 1911, sinabi ni Quezon sa New York Times na “Kami ay nagpapasalamat kay Ginoong Taft at sa mga Amerikano sa kanilang mga ginawa para sa amin, ngunit ayaw naming maging isang kolonya. Gusto namin ng kalayaan.”[1]
Bilang sagot sa inilathala ng New York Times na “Philippines the Key to our Success in the Far East”, sinabi ni Quezon (nailathala sa NY Times noong ika-15 ng Setyembre 1912), “Panahon na para sa mga tumitingin sa Pilipinas bilang isang negosyo na lumantad at sabihin ito kapag kanilang isinusulong ang pananatili ng mga isla bilang sakop ng Amerika, sa halip na pagtakpan ang kanilang totoong hangarin ng mga dahilang nakakainsulto sa pambansang dangal ng mga Pilipino. Huwag nilang sabihin na ang Estados Unidos ay nananatili sa Pilipinas hindi dahil sa gusto nitong magpalawak ng teritoryo, hindi dahil sa naghahangad itong kumita, kundi upang bigyan ang mga isla ng isang mabuti at matalinong Pamahalaan, na hindi kayang itatag at panatilihin ng mga Pilipino nang kusa.” [2]
Noong 1916, iniuwi ni Quezon sa Pilipinas ang Batas Jones, na nangangakong kikilalanin ang kasarinlan ng mga Pilipino.
Senado
Si Manuel L. Quezon ay nahalal bilang Senador ng Ikalimang Distrito noong 1916 at naging Pangulo ng Senado hanggang 1935. Umabot ng labinsiyam na taon ang kanyang pagiging Pangulo ng Senado.Noong ika-9 ng Disyembre, 1918, naglayag si Quezon patungong Amerika bilang pinuno ng unang Independence Mission sa Kongreso ng Estados Unidos. Dumaan muna siya ng Hongkong, kung saan pinakasalan niya ang kanyang pinsang-buo na si Aurora Aragon y Molina noong ika-17 ng Disyembre. Biniyayaan sila ng apat na supling, sina Maria Aurora (“Baby”) (1919-1949); Maria Zeneida (“Nini”) (1921-); Luisa Corazon Paz (“Nenita”) (1923-1923); at Manuel L., Jr. (“Nonong”) (1926-1998).
Ika-10 ng Mayo, 1920 nang unang magtalumpati si Quezon sa harap ng Kongreso ng Estados Unidos. Kasama sa talumpati niya ang mga katagang “Sa kabila ng lahat, nais pa rin namin ng kasarinlan”, at “Kung ang nakatakdang kapalaran ng aking bansa ay ang maging sakop ngunit mayaman, o ang maging malaya ngunit mahirap, walang pag-aalinlangang pipiliin ko ang huli.”
Noong 1922, kinuwestiyon ni Quezon ang aniya’y “unipersonal leadership” ni Tagapagsalitang Sergio Osmena, kung ihahambing sa tinatawag na “collective leadership” na kanya namang itinataguyod. Noong ika-24 ng Pebrero 1922, umalis si Quezon sa Partido Nacionalista, kung saan kasapi din si Osmena, at ang kanyang sabi: “Ang partido ay hindi kailanman naging at hindi kailanman magiging ang bayan. Ang aking katapatan sa aking partido ay natatapos kung saan nagsisimula ang aking katapatan sa aking bayan.” Nanatili si Quezon bilang Pangulo ng Senado, at si Osmena naman ay naging Pangulo ng Senado Pro Tempore. [3]
Matapos mahalal si Warren Harding bilang Pangulo ng Estados Unidos noong 1920, si Francis Burton Harrison ay pinalitan ni Leonard Wood bilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas. Nagpairal si Gobernador-Heneral Wood ng mga patakarang sa paningin ng mga Pilipino ay masyadong marahas. Noong 1923, panahon ng pangangampanya para sa espesyal na halalan para sa ikaapat na senatorial district (sakop ang Manila at mga karatig-lalawigan), si Jose P. Laurel, na noo’y Kalihim ng Kagawarang Panloob, ay nagbitiw sa tungkulin bilang protesta sa aniya’y pakikialam ni Wood sa kanyang kagawaran. Ang Partido Democrata, na siyang oposisyon, ay nangako namang makikipagtulungan kay Wood. Tinawag ni Quezon na Americanistas ang Partido Democrata. Ayon sa kanya, ang isang boto para sa kandidato ng partidong iyon ay isang botong laban sa kasarinlan ng Pilipinas. Idinagdag pa niya: “Mas gugustuhin ko pa ang isang bayang pinamahalaang parang impiyerno ng mga Pilipino, kaysa sa isang bayang pinamahalaang parang langit ng mga Amerikano, sapagkat gaano man kasama ang isang pamahalaang Pilipino ay magagawa nating baguhin.”
Noong 1931, ang Misyong OsRox na pinamunuan nina Sergio Osmena at Manuel Roxas ay tumungo ng Estados Unidos upang isulong ang hangaring kasarinlan. Iniuwi nila ang Batas Hare-Hawes-Cutting, na mariin namang tinutulan ni Quezon sa dahilang naglalaman ito ng kondisyong mananatili pa rin sa Pilipinas ang mga base militar ng Amerika matapos maipahayag ang kasarinlan. Bagamat ang Batas Hare-Hawes-Cutting ay naaprubahan na ng Kongreso ng Estados Unidos, ibinasura naman ito ng Lehislatura ng Pilipinas noong Oktubre 1933. Pagdating ng Nobyembre 1933, tumulak na si Quezon patungong Washington. Iniuwi niya noong 1934 ang Batas Tydings-McDuffie, na hindi na naglalaman ng kondisyon ukol sa mga base militar ng mga Amerikano, at ito ay inaprubahan ng Lehislatura ng Pilipinas.
Noong ika-30 ng Hulyo, 1934, pormal na sinimulan ang Constitutional Convention, at noong ika-14 ng Mayo 1935, pinagtibay na ang Saligang Batas ng 1935.
Pagka-Pangulo
Si Quezon ay tumakbo sa unang halalan sa pagka-Pangulo ng Pilipinas noong Nobyembre 1935 at nanalo siya laban kina Emilio Aguinaldo (dating Pangulo ng Rebolusyunaryong Republica Filipina, pinagsilbihan niya dati bilang aide-de-camp o kanang kamay), at Gregorio Aglipay.Mga natatanging kaganapan sa kanyang pagka-Pangulo
Sa kanyang unang termino bilang Pangulo, nakipagtulungan si Quezon kay High Commissioner Paul V. McNutt ng Estados Unidos upang mapadali ang pagpasok sa Pilipinas ng mga Hudyong tumatakas sa mga rehimeng pasista sa Europa.[4] Isinulong din ni Quezon ang isang proyekto upang makapanirahan sa Mindanao ang mga takas na Hudyo.Mula 1901 hanggang 1935, bagamat isang Pilipino ang palaging nahihirang bilang Punong Mahistrado, mga Amerikano ang karamihan sa mga miyembro ng Mataas na Hukuman (Supreme Court). Nakamtan lamang ang ganap na Pilipinisasyon ng Hukuman nang itatag ang Commonwealth ng Pilipinas noong 1935, nang si Quezon, bilang Presidente, ay mabigyan ng kapangyarihan upang maghirang ng kauna-unahang Mataas na Hukuman na ang lahat ng miyembro ay Pilipino. Kabilang sa mga unang itinalaga ni Quezon upang pumalit sa mga Amerikanong mahistrado sina Claro M. Recto at Jose P. Laurel. Dinagdagan ang bilang ng miyembro ng Hukuman (ginawang labing-isa): isang Punong Mahistrado at sampung Katulong na Mahistrado, na umupo nang en banc(magkakasama ang lahat sa paggawa ng desisyon) o di kaya sa dalawang Sangay na may tiglilimang miyembro.
Noong 1935, ang dating Chief of Staff ng Estados Unidos na si Heneral Douglas MacArthur, na matagal nang kakilala ni Quezon, ay bumalik sa Pilipinas bilang tagapayo ng Commonwealth tungkol sa sandatahan. Naatasan si MacArthur upang bumalangkas ng isang national defense plan at upang itatag at sanayin ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Nang magretiro si MacArthur sa Sandatahan ng Estados Unidos noong 1937, kaagad na inalok siya ni Quezon ng isang posisyon bilang Field Marshal.
Noong 1936, inilabas ni Quezon ang E.O. No. 23, na naglalaman ng teknikal na paglalarawan at detalyadong espisipikasyon ng watawat ng Pilipinas.
Pagdating ng Enero 1937, itinayo ni Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa, na naglalayong lumikha ng isang pangkalahatang pambansang wika para sa mga Pilipino. Noong Nobyembre 1937, inirekomenda ng Surian na gawing pambansang wika ang Tagalog, kung kaya noong ika-30 ng Disyembre 1939 ay idineklara ni Quezon na Tagalog ang magiging pambansang wika ng Pilipinas. Noong Hunyo 1940 naman, iniutos niyang ituro ang pambansang wika bilang isa sa mga asignatura sa mga paaralan.
Masigasig na isinusulong ni Quezon ang panlipunang katarungan o social justice, kung kaya minsan ay kanyang winika: “Higit na makatutulong ang panlipunang katarungan kapag ang ginamit na batayan ay ang damdamin at pang-unawa at hindi ang batas.” Noong 1937, nilagdaan ni Quezon ang kauna-unahang batas para sa minimum wage sa Pilipinas. Noong taon ding iyon, unang bumoto ang kababaihang Pilipino sa isang plebisito tungkol sa karapatan ng mga babaeng bumoto o ang tinatawag na women’s suffrage.
Noong ika-12 ng Oktubre, 1939 naman, nilagdaan ni Quezon ang Batas Commonwealth 502, na lumikha ng isang lungsod sa Diliman, na nasa dakong labas ng Maynila. Ang lungsod na kanyang itinatag at pinagyaman upang maging kabisera ng bansa, ay ipinangalan sa kanya kinalaunan – ang Lungsod ng Quezon.
Pinahaba ang orihinal na termino ni Quezon na anim na taon bilang Pangulo sa pamamagitan ng pag-amiyenda sa Saligang Batas, kung kaya’t nagsilbi pa siya ng karagdagang dalawang taon bago siya nahalal muli bilang Pangulo noong Nobyembre 1941.
Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang Pamahalaang Desterado
Noong ika-8 ng Disyembre, 1941, bago pa lamang naihalal si Quezon sa kanyang ikalawang termino bilang Pangulo nang inatake ng bansang Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii. Sumunod ang pag-atake sa iba’t ibang base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas. Nang salakayin ng mga Hapones ang Pilipinas, lumikas si Quezon sa Corregidor, kung saan siya muling nanumpa bilang Pangulo noong ika-30 ng Disyembre, 1941, sa harap ng Malinta Tunnel. Nang sumunod na buwan, napilitan si Quezon na lumikas ng Corregidor papuntang Visayas lulan ng isang submarino, at mula doon ay sa papuntang Mindanao. Alinsunod sa imbitasyon ng gobyerno ng Estados Unidos, inilikas siya papuntang Australia at kalaunan sa Estados Unidos, kung saan niya itinayo ang pamahalaang desterado (government in exile) ng Commonwealth ng Pilipinas, na ang punong-tanggapan ay nasa Washington, D.C. Doon, naglingkod siya bilang miyembro ng Pacific War Council at isinulat niya ang sariling talambuhay, ang “The Good Fight” o “Ang Mabuting Pakikipaglaban”, na inilathala noong 1946.Ika-14 ng Hunyo 1942, sa White House sa Washington D.C., nang lagdaan ni Quezon ang United Nations Declaration sa ngalan ng Pilipinas. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang watawat ng Pilipinas ay itinaas kasama ang watawat ng ibang bansa, at bagamat isa lamang Commonwealth, kinilala na ng ibang bansa sa pag-asang makakamtan din nito ang ganap na kasarinlan.
Kamatayan
Namatay si Quezon sa sakit na tuberculosis noong ika-1 ng Agosto 1944 sa Saranac Lake, New York. Una siyang inilibing sa Maine Memorial sa Arlington National Cemetery sa Washington D.C., pagkatapos ay hinukay muli ang kanyang mga labi at isinakay sa USS Princeton[5], at muling inilibing sa Manila North Cemetery noong ika-1 ng Agosto 1946. Kalaunan, inilipat ito sa Manuel Quezon Memorial Shrine, sa loob ng bantayog sa Quezon Memorial Circle sa Lungsod Quezon, noong ika-19 ng Agosto 1979, araw na sana’y kanyang naging ika-102 kaarawan.Nakaukit sa kanyang huling himlayan ang mga katagang: "Statesman and Patriot, | Lover of Freedom, | Advocate of Social Justice, | Beloved of his People." (Mahusay na tagapamahala at bayani,| Mapagmahal sa kalayaan,| Tagataguyod ng panlipunang katarungan,| Minamahal ng kanyang bayan.)
Linggo at Buwan ng Wika
Noong ika-23 ng Setyembre 1955, idineklara ni Pangulong Ramon Magsaysay ang ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto kada taon bilang Linggo ng Wika. Ang selebrasyon nito ay palaging nagtatapos sa kaarawan ni Quezon, ang taong unang nagsulong ng paglikha ng isang pambansang wika.Noong ika-15 ng Enero 1997, idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wika.
Ika-28 ng Abril 2005 nang iniutos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ang mga labi ng dating Unang Ginang Aurora Aragon Quezon, na tinambangan at pinatay sa daan patungong Bongabon sa Nueva Ecija noong ika-28 ng Abril 1949, ay hukayin sa dati nitong pinaglibingan at ilibing muli sa Quezon Memorial katabi ng mga labi ng kanyang asawang si Pangulong Manuel L. Quezon.
Sanggunian
- ↑ New York Times July 1911 edition.
- ↑ New York Times September 1912 edition.
- ↑ Nacionalista Party website. History of the Nacionalista Party.
- ↑ Escape to Manila by Frank Ephraim. Book about Jewish refugees finding sanctuary in the Philippines.
- ↑ U.S. Navy - A Brief History of Aircraft Carriers. History of USS Princeton.
Panlabas na Kawing
- The Philippine Presidency Project: Manuel L. Quezon
- The Official Website of the Quezon City Government
- The Official Website of the Provincial Government of Aurora
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)