Labing
dalawang mga pangunahing produkto at bilihin sa lalawigan ng Quezon ang
kasama sa “commodities recommended for management needs assessment” na
nakatakdang isagawa ng Bureau of Agricultural Statistics (BAS) sa
darating na Nobyembre hanggang Disyembre.
Ang 12 produkto ay kinabibilangan ng palay/bigas, mais, kamoteng kahoy, kamote, kalabasa, talong, ampalaya, carrots, saging, kalamansi, baboy at bisugo. Karamihan sa mga produktong ito ay inaani at ipinagbibili sa mga merkado sa lalalawigan habang ang iba naman ay ibinebenta sa mga karatig-probinsiya at maging sa Metro Manila.
Sinabi ni Ratelieta T. Millendez, chief ng statistical operation and coordination ng BAS na magsasagawa sila ng ‘survey at interview’ sa mga magsasaka, mangingisda at sa mga pamilihan ukol sa mga nabanggit na produkto.
Kaugnaynito, nagdaos ng kauna-unahang “agricultural marketing information and management system consultative meeting” ang BAS kung saan dumalo ang may 40 mga magsasaka, mangingisda at mga kawani ng lokal at national agencies na nakabase sa lalawigan.
Ang pagpupulong, ayon kay Milendez, ay naglalayong makapagbigay ng sapat na kaalaman sa mga mangingisda at magsasaka upang makakatulong sa produksiyon at pagbebenta ng kanilang mga produktong agrikultural.
Tinalakay din sa pulong ang tungkulin ng BAS sa price monitoring at pagbibigay kaalaman sa publiko ng kasalukuyang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, gulay, isda, karne at ibang produktong agricultural na kinukunsumo ng publiko sa araw-araw.
Samantala, binanggit ni Millendez na ang kalabasa na ginagawang canton at iniluluwas sa Singapore at ang banana chips naini-export din ay maaaring magbigay ng karagdagang kikitain sa mgamagsasaka. (Carlo P. Gonzaga, PIA-Calabarzon at ulat mula sa PIA-Quezon)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento