Ang mga pagkain na nasa mga litrato sa baba ay ilan sa mga tampok na pagkain sa Lucban, Quezon. Madami impormasyon ang nakuha namin at madami kaming natutunan tungkol sa mga ito.
Pancit Habhab o Pancit Lucban |
Ang pansit habhab ay ginisang miki na nilahokan ng karne at atay ng baboy, hipon, at gulay. Ito ay isang lokal na pagkain sa Quezon na sikat lalo na tuwing Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.Ito ay pansit na kinakain nang hindi ginagamitan ng kubyertos. Hinahabhab ito. Ito ay nilalagay lamang sa dahon o kaya naman sa bilao. Hindi ito nilalagay sa plato.
Hardinera |
Ito ay pagkain na hinahanda para sa mga espesyal na okasyon. Ito at ang embutido ay magkahalintulad. Ang hardinera ay isang putahe na tanyag sa probinsya ng Quezon. Pangkaraniwan itong makikita sa mga espesyal na okasyon katulad ng fiesta, kasalan o binyagan.
Kesong Puti |
Ang isa pang tanyag na pagkain sa lugar ng Lucban ay ang kesong puti. Ang kesong puti ay isang malambot na uri ng keso na gawa sa gatas ng kalabaw, asin, at rennet. Ang kesong puti ay isa sa mga pinakasikat na pagkaing Lucban.
Pilipit |
Isa pang sikat na pagkain sa Lucban ay ang pilipit. Ito ay gawa sa malagkit na bigas na binudburan ng pulang asukal at ipinirito. Ito ay espesyal na pagkain na gawa sa minatamis na kalabasa at galapong. Ito ay kadalasang nagmumukhang '8'.
Longganisang Lucban |
Ang Longganisang Lucban ay katutubong longganisa sa lalawigan ng Quezon sa Pilipinas at dahil sa pangalan nito, marahil na ito'y nagmula sa Lucban, Quezon.
Budin |
Ang saya naman talaga sa Quezon,wort a visit!!! Sakit.info
TumugonBurahin